dzme1530.ph

Progreso sa fishing talks sa pagitan ng Pilipinas at China, ibinida ni Pang. Marcos

Ibinida ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang progreso sa fishing talks sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa ambush interview sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na kumpara dati na hinaharang, ay sinusundan na lamang ngayon ng Chinese vessels ang mga mangingisdang Pinoy sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Idinagdag ng punong ehekutibo na tinaya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mas marami ang mahuhuli ng mga mangingisdang Pinoy ngayon dahil sa bumubuting sitwasyon sa lugar.

Kamakailan lamang ay napaulat na hinarang chinese vessels ang mga mangingisdang pinoy sa Pag-asa Island. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author