dzme1530.ph

Produksyon ng isda sa West Philippine Sea, bumaba

Bumagsak ng 7% ang Fisheries Production sa West Philippine Sea sa pagitan ng 2021 at 2022, sa kabila ng isa ito sa pinakamayamang fishing grounds sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sinabi ni BFAR spokesman Nazario Briguera na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 275,872 metric tons ng isda ang produksyon noong 2022 mula sa 295,332 metric tons noong 2021.

Agad namang nilinaw ni Briguera na ang pagbaba ng produksyon ay maiuugnay sa mga bagyo na dahilan ng hindi pagpalaot ng mga mangingisda at hindi sa maritime territorial conflict sa lugar.

Gayunman, ang 19,460 metric tons na diperensya sa huli, ay maituturing na malaki, dahil ang output mula sa West Philippine Sea ay kumakatawan sa 6.36% ng kabuuang fisheries paroduction ng bansa noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author