Ikinadismaya naman ng kampo ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang desisyon ng Kamara na tinawag nilang “A dark day for the rule of law.”
Sa statement, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na ang proceedings sa House Committee on Ethics and Privileges ay walang pinagkaiba sa Kangaroo Court.
Aniya, sa umpisa pa lamang ay markado na ang proceedings ng Inquisition, gaya ng ang Komite mismo ang motu propio complainant kaya naman nagsisilbi itong Accuser at Judge; hindi rin kailanman pinayagan si Teves na lumahok sa pagdinig; sinekreto rin ang hearings; at ang final recommendation ay nagpapakita na walang bona fide o good faith intention na ikonsidera ang ebidensya pabor sa kanyang kliyente.
Nakasaad sa 13-pahinang Committee Report laban kay Teves na kapag ang isang miyembro ng Kamara ay tinukoy na terorista, nagsisilbi itong malaking banta sa integridad at dignidad ng Institusyon. —sa panulat ni Lea Soriano