Binigyang-diin ng Bureau of Immigration (B.I.) na matutuldukan lamang ang problema sa human trafficking at illegal recruitment kung magtutulong-tulong ang lahat ng government offices.
Ayon kay B.I Commissioner Norman Tansingco, dapat masolusyunan ang ugat ng problema para masugpo ang mga ilegal na gawain.
Ani Tansingco, sa pamamagitan ng Inter-Agency council Against Trafficking ay madali nilang matutumbok ang lahat ng aspeto ng human trafficking at illegal recruitment.
Dagdag pa ng B.I Commissioner na suportado niya ang panukala ni Rep. Camille Villar na magkasa ng “Legislative inquiry on illegal overseas job offers that shuttle Filipinos to work for companies that operate online scams”.
Samantala iginiit ni Tansingco na personal na misyon para sa kanya na hulihin ang mga nananamantala at umaabuso sa ating mga kababayan.