Naibalik na ng mobile wallet na GCash ang lahat ng pondo ng kanilang users na naapektuhan ng napaulat na unauthorized transactions.
Sa statement, sinabi ng GCash na nakumpleto nila ang adjustments alinsunod sa schedule na 3 p.m. kahapon.
Ilang GCash users ang nagsabing na-transfer umano ang kanilang pera patungo sa accounts sa East West Bank at Asia United Bank.
Sa isang online chat group, nasa 300 katao ang nagreklamo tungkol sa unauthorized transactions na nagkakahalaga ng P6-M.
Hindi naman isiniwalat ng GCash ang kabuuang halaga na naapektuhan ng insidente. —sa panulat ni Lea Soriano