Ipinasara ng Dep’t of Social Welfare and Development ang Gentle Hands Incorporated Orphanage sa Quezon City dahil sa kabi-kabilang paglabag.
Sinilbihan ng Cease and Desist Order ng Gentle Hands dahil sa paglabag sa Republic Act no. 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.
Sa press briefing sa Malacañang, tinukoy ni DSWD sec. Rex Gatchalian ang violations ng orphanage kabilang ang overcapacity kung saan mahigit 80 lamang dapat ang populasyon nito, ngunit natuklasang umabot ito sa 149.
Lumabag din ito sa Fire Code dahil nakasara at may harang na grills ang mga fire exit, at maaaring ma-trap ang mga bata kapag may sunog.
Sa personal na pag-iinspeksyon ni Gatchalian sa orphanage ay wala ring sumalubong sa kanilang sinumang social worker.
Nadiskubre rin ang triple-decker beds o tatlong palapag na mga kama, gayong ang pinapayagan lamang ay double-deckers.
Binigyang ng 20-araw ang Gentle Hands upang ipalinawag ang mga violation at ayusin ang mga ito.
Sa ngayon ay ililipat na sa kustodiya ng DSWD ang mga bata sa orphanage. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News