dzme1530.ph

Price freeze sa produktong LPG, kerosene sa Albay, itatakda

Ipatutupad ng Dep’t of Energy ang price freeze o walang pagtataas ng presyo sa mga produktong LPG sa probinsiya ng Albay.

Ayon sa DOE, kabilang sa price freeze ang Household LPG na may timbang na 11 kilograms pababa.

Bukod dito, itatakda din ang price freeze sa produktong kerosene.

Epektibo ang LPG price freeze hanggang June 23 at posible pang i-extend sa oras na magpatuloy ang mataas na aktibidad ng bulkang Mayon.

About The Author