Pinatitiyak ni Sen. Christopher Bong Go sa Department of Agriculture (D.A) at sa Department of Trade and Industry (DTI) na namomonitor at nagiging epektibo ang ipinatutupad na price ceiling partikular sa presyo ng sibuyas.
Hinikayat ni Go ang mga tauhan ng D.A. at DTI na lumabas sa kanilang mga tanggapan at magsagawa inspeksyon sa mga pamilihan kung nasusunod ang price ceiling upang hindi sobra-sobra ang ipinapataw na presyo sa merkado.
Nagtataka ang senador kung bakit sa kabila ng price ceiling patuloy pa ring tumataas na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.
Malinaw anya na kung mataas ang presyo, may umaabuso na maaring ang pinagkukunan na dapat na mapanagot sa batas
Hinikayat din ni Go ang mga ahensya na ipatupad ang Anti-Smuggling Law at habulin, papanagutin ang mga smugglers ng agricultural products sa bansa.