Posibleng magtagal hanggang Oktubre ang ipinatupad na price cap sa bigas kung hindi pa rin bababa sa P38 kada kilo ang retail price nito, ayon sa Dept. of Agriculture.
Sinabi ni DA Senior Usec. Domingo Panganiban na inirekomenda niya kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagtanggal sa price ceiling na P41 para sa regular milled rice at P45 para sa well-milled rice sakaling maabot na ang naturang target.
Base sa monitoring ng kagawaran, bumaba na ng P5 ang presyo ng kada kilo ng naturang produkto, subalit hindi pa rin ito aniya sapat.
Sa ngayon, sinabi ni Panganiban na mananatili ang price cap sa bigas upang matulungan ang mga konsyumer na umaaray na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. —sa panulat ni Airiam Sancho