Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension laban kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong.
Sa statement, sinabi ni Chiong na ang preventive suspension na kanyang natanggap kahapon at may petsang April 28, ay bunsod ng pag-reassign niya sa ilang miaa employees.
Ang kautusan ng Ombudsman ay batay umano sa isang anonymous complaint kung saan inakusahan si Chiong ng Grave Abuse of Authority.
Ang preventive suspension ni Chiong ay inilabas sa gitna ng panibagong power outage crisis na nakaapekto sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport.