Limang Regional Training Centers ang nakapagtala ng increase sa average retail price ng well-milled rice noong kalagitnaan ng Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sinabi ng PSA na nagkaroon ng pagtaas ng presyo noong May 15 to 17, kumpara noong May 1 hanggang 5.
Tumaas ng P3.07 ang kada kilo ng well-milled rice sa Legazpi City; P2.53 sa Kidapawan City; tig-P0.50 sa tacloban city at Cotabato City; habang P0.18 sa Pagadian City.
Samantala, bumaba naman ang presyo ng well-milled rice sa National Capital Region ng P0.02; tig-P0.50 naman sa Tuguegarao City at Butuan City; at P2.08 sa Cebu City. —sa panulat ni Lea Soriano, DZME News