dzme1530.ph

Presyo ng refined sugar, dapat nasa P80-P85 kada kilo lamang, ayon sa SRA

Iginiit ng Sugar Regulatory Administration na dapat nasa P80 hanggang P85 kada kilo lamang ang presyo ng refined sugar.

Ginawa ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona ang pahayag sa gitna ng mga ulat na pumalo sa P100 kada kilo ang halaga ng refined sugar sa ilang supermarket at grocery store.

Bagaman bumaba ang farmgate price ng asukal bago magpasko, sinabi ng opisyal na hindi niya makokontrol ang mga negosyante kung paano ito nagpapasya para sa retail price ng produkto, dahil itinataas ng mga ito ang presyo kasabay ng demand.

Samantala, gumagawa naman ng paraan ang SRA para matulungan ang mga magsasaka at konsyumer kaugnay sa mataas na presyo ng asukal. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author