dzme1530.ph

Presyo ng mga gulay na mula sa Benguet, inaasahang bababa kapag umayos na ang panahon sa lalawigan

Inaasahang bababa ang presyo ng mga gulay mula sa Benguet sa sandaling maging normal ang lagay ng panahon sa lalawigan, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura.

Sinabi ni SINAG Chairperson Rosendo So na bahagyang tumaas ang presyo ng mga gulay sa mga nakalipas na linggo bunsod ng pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Sa latest price monitoring ng Department of Agriculture, ang highland vegetables gaya ng Repolyo ay mabibili ng P70 hanggang P120 per kilo; Carrots – P60 hanggang P120 per kilo; Baguio Beans – P80 hanggang P120 per kilo; Patatas – P90 hanggang P130 per kilo; Pechay Baguio – P60 hanggang P100 per kilo; at Sayote – P40 hanggang P80 per kilo.

Noong katapusan ng Mayo ay napilitan ang ilang magsasaka sa La Trinidad na mag-ani ng maaga bunsod ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Betty upang hindi masira ang mga gulay. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author