dzme1530.ph

Presyo ng LPG nagbabadya ring tumaas!

Namemeligro ring tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) ngayong linggo.

Batay sa pagtaya, posibleng maglaro sa P2 hanggang P5 kada kilo ang magiging dagdag-presyo ng LPG.

Katumbas ito ng P22 hanggang P55 na patong sa presyo ng kada 11 kilogram na tangke.

Sa datos, naglalaro mula P718 hanggang P935 ang presyo ng kada 11-kilogram household LPG sa Metro Manila.

About The Author