dzme1530.ph

Presyo ng LPG, may rollback

Epektibo na alas-12 ngayong tanghali ang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan.

Sa advisory ng Petron Corp., piso per kilogram ang magiging bawas-presyo ng LPG.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Energy (DOE), naglalaro sa ₱830 hanggang ₱1,068 ang presyo ng kada 11-kilogram ng household LPG sa Metro Manila.

About The Author