dzme1530.ph

Presyo ng itlog, bumaba sa gitna ng mababang demand

Bumaba ang farmgate price ng maliliit na itlog ng hanggang P4, sa gitna ng pagbagsak ng demand at pagtaas ng supply, ayon sa Philippine Egg Board Association.

Sinabi ni PEBA Chairman Gregorio San Diego na ang farmgate price ngayon ng medium egg ay P5 hanggang P6 habang ang maliliit ay P4 hanggang P5, depende sa lugar ng farm.

Aniya, nadagdagan ng kaunti ang supply pero ang malaking nabawas ay ang perang pambili ng mga tao, kaya lumalabas na oversupply.

Batay sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture, ang retail price ng medium-sized eggs sa ilang palengke sa Metro Manila ay naglalaro sa P6.80 hanggang P8.50. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author