Inihayag ng Dep’t of Agriculture na inaasahang bababa sa P130 hanggang P150 per kilo ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa bansa sa buwan ng Marso.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang Marso ang catching season o ang panahong malakas ang huli sa galunggong, at magpapatuloy ito hanggang Abril, Mayo, at Hunyo.
Sinabi pa ni Laurel na sa nalalapit na pagtatapos ng closed fishing season ay inaasahang mahina pa ang magiging huli, ngunit pagsapit ng Marso ay lalakas na ito, na magbubunga ng pagbaba ng presyo ng galunggong.
Sa ngayon ay naglalaro sa P220 hanggang P280 ang presyo ng kada kilo ng galunggong sa mga pamilihan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News