dzme1530.ph

Presyo ng diesel, muling tataas sa Martes

Asahan na ang panibagong price hike sa diesel sa Martes.

Batay sa 4-day trading results ng Mean of Platts Singapore (MOPS), na ginagamit ng local oil industry sa pagpepresyo, umakyat sa P0.10 hanggang P0.20 per liter ang presyo ng diesel.

Wala namang nakikitang price adjustment, o tataas lang ng kaunting halaga ang kada litro ng gasolina at kerosene.

Ayon sa Dep’t of Energy, ito’y dahil sa inaasahang paglakas ng demand sa langis sa kasagsagan ng peak season kasabay ng bawas-produksyon ng Saudi Arabia at Russia. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author