Tumaas ng hanggang ₱2.00 kada kilo ang presyo ng bigas sa unang dalawang linggo ng buwan.
Batay sa price situationer na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng bahagyang paggalaw sa presyo ng bigas ang 7 sa selected trading centers na kanilang sinuri, mula April 1 hanggang April 15.
Naitala rin ng PSA ang aabot sa ₱10.00 hanggang ₱20.00 na pagtaas ng presyo sa kada kilo ng karneng baboy, partikular na ang pork kasim.
Habang, bumaba naman ang presyo sa kada kilo ng galunggong sa ₱11.51 hanggang ₱60.00.