dzme1530.ph

Presyo ng bigas, inaasahang bababa sa mga susunod na linggo

Inaasahan Federation of Free Farmers’ Cooperative na bababa na ang presyo ng bigas sa susunod na dalawang linggo dahil sa pagtaas ng suplay bunsod ng panahon ng anihan.

Ayon kay Leonardo Montemayor, Chairman ng grupo, kailangan na lang hintayin kung magkano ang bawas rito, subalit dapat aniyang magkaroon ng stability sa presyo.

Nilinaw naman ni Montemayor na masyado pang maaga para sabihing magpapatuloy ang matatag na sulay ng bigas dahil nananatili pa rin ang banta ng El niño.

Kasabay nito, hinikayat niya ang gobyerno na bumuo ng mga angkop na programa na susuporta para sa mga magsasaka.

Binigyang-diin ni Montemayor na ang patuloy na pag-iimport ng mga produkto sa halip na palakasin ang local production ay maaring maging dahilan para madismaya ang mga magsasaka na pataasin ang kanilang produksyon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author