dzme1530.ph

Presyo ng bigas at itlog, inaasahang tataas sa Disyembre, ayon sa SINAG

Walang inaasahang malakihang pagtaas sa presyo ng agricultural products ang Department of Agriculture sa panahon ng kapaskuhan, kung kailan karaniwang mataas ang demand bunsod ng mga handaan.

Sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na maganda ang supply sa bansa, partikular sa karneng baboy at manok, dahil sa stability ng lokal na produksyon, pati na ang tuloy-tuloy na pagpasok ng karagdagang imports.

Kinontra naman ito ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sa pagsasabing magkakaroon pa rin ng mga pagtaas sa presyo sa Disyembre, batay sa historical movement.

Inihayag ni SINAG President Rosendo So, kabilang sa mga tataas ang presyo sa mga pamilihan ay ang bigas at itlog, kahit walang pagbabago sa farmgate prices. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author