dzme1530.ph

Presyo ng bigas, asahang tataas!

Nagbabadyang tumaas sa P57 kada kilo ang presyo ng regular milled rice sa mga susunod na linggo.

Ito ang ibinabala ng grupong Federation of Free Farmers Cooperative Incorporated, matapos tumaas sa P35 kada kilo ang palay na posible pa anilang magpatuloy sa pagtaas ng presyo.

Paliwanag ng grupo, nakararanas nang pagnipis ng supply ng bigas ang Pilipinas dahil hindi pa panahon ng anihan.

Idinagdag pa ng FFFCI na ito rin ang dahilan kaya kailangang ng mag-angkat ang bansa ng bigas upang maagapan ang posibleng kakulangan sa suplay ng bigas sa susunod na buwan.

About The Author