dzme1530.ph

Presidential Assistant for Strategic Communications Usec. Cesar Chavez, humingi na ng paumanhin sa ipinost na fake news

Humingi na ng paumanhin si Presidential Assistant for Strategic Communications Undersecretary Cesar Chavez matapos mag-post ng fake news kaugnay ng umanoy pagde-deklara ng half day na pasok sa trabaho sa buong bansa para bukas, Dec. 22, na nakapaloob sa pekeng kopya ng proclamation no. 427.

Sa mensahe sa social media, inamin ni Chavez na nag-post siya ng content na siya mismo ay hindi niya beripikado.

Kaugnay dito, inako ni Chavez ang responsibilidad, at sinabi nito na siya dapat ang sisihin kaugnay ng nilikhang kalituhan sa publiko.

Mababatid na bukod sa news outlets, mayroon ding official social media pages ng ilang local gov’t units ang nag-share ng pekeng balita mula kay Chavez. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author