dzme1530.ph

Presidential appointees, pinagsu-sumite ng updated documentary requirements

Pinagsu-sumite ng Malacañang ng updated documentary requirements ang lahat ng presidential appointees sa gobyerno.

Sa Memorandum na inilabas ng Presidential Management Staff na may petsang Feb. 2, 2024, inatasan ang presidential appointees na itinalaga bago ang Feb 1, 2023, na mag-sumite ng updated personal data sheet at clearances mula sa Civil Service Commission, National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman, at Sandiganbayan.

Ito ay alinsunod umano sa direktiba ng Executive Sec., at saklaw nito ang lahat ng kagawaran, ahensya, at offices and instrumentalities kabilang ang Gov’t-Owned-or-Controlled Corp., Gov’t Financial Institutions, at State Universities and Colleges.

Kaugnay dito, ipinatitiyak sa lahat ng pinuno ng mga ahensya at tanggapan ang pagsunod ng presidential appointees sa memo.

Binibigyan ng 30-araw ang appointees upang isumite sa PMS ang mga kaukulang dokumento. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author