dzme1530.ph

Prepositioned food packs sa Northern Luzon, dodoblehin pa ng DSWD sa harap ng nagbabadyang sama ng panahon

Dodoblehin pa ng Dep’t of Social Welfare and Development ang mga naka-preposition na family food packs sa Northern Luzon, sa harap ng nagbabadyang pagtama ng Typhoon “Mawar”.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan sa PAGASA ay natukoy ang Ilocos Region at Cagayan Valley bilang mga lugar na inaasahang tutumbukin ng bagyo.

Kaugnay dito, mula sa average na 30,000 hanggang 50,000 prepositioned food packs ay dodoblehin pa nila ito simula ngayong araw.

Bukod dito, mayroon ding P579.89-M na Quick Response Fund ang DSWD Central Office, at P69.77-M sa DSWD field offices.

Kahapon ay lumakas na sa isang super typhoon ang bagyong Mawar, na inilagay na sa ngayon sa “Typhoon” category at inaasahang papasok ng bansa sa Biyernes o Sabado. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author