Dumipensa ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos punahin ng publiko sa hindi nagbabagong presyo ng ilang brand ng bigas sa bansa na umaabot pa rin sa P60 kada kilo.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Agaton Uvero, hindi sakop ng pinaiiral na price ceiling ang mga premium na bigas kaya makakakita pa rin ang mga mamimili ng P50 hanggang P60 na presyo ng bigas sa merkado.
Samantala, sa pag iikot aniya ng kagawaran ay naobserbahan nila na karamihan naman sa mga nagbebenta ng bigas ay nasunod sa price cap.
Nabatid na nitong Martes ay umarangkada na ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas na P41 kada kilo para sa regular milled rice at P45 kada kilo naman para sa well-milled rice. —sa panulat ni Jam Tarrayo