dzme1530.ph

Precautionary hold departure order, hiniling ng NBI laban sa Socorro cult leaders

Nagsumite ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga karagdagang ebidensya at naghain ng Motion for Precautionary Hold Departure Order laban kay Jey Rence Quilario alyas “Senior Agila” at sa  iba pang mga lider ng Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI).

Pahayag ito ng Department of Justice (DOJ), kasunod ng clarificatory hearing sa harap ng Panel of Prosecutors na dinaluhan ni Quilario at ng iba pang respondents, pati na mga biktima ng SBSI.

Sinabi ng DOJ na inadopt ng NBI ang imbestigasyon na unang isinagawa ng Commission on Human Rights.

Itinakda naman ang subsequent hearing sa ika-20 ng Oktubre, araw ng Biyernes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author