dzme1530.ph

Pre-pandemic school calendar, dapat nang ibalik! —Rep. Libanan

Pinababalik na ni House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan sa pamahalaan ang pre-pandemic school calendar kung saan ang bakasyon ng mga estudyante ay tuwing tag-init.

Iginiit ni Libanan na dapat proteksyunan laban sa matinding init ang mga guro at mag-aaral.

May mga mahihirap na estudyante aniya, gaya ng 4Ps beneficiaries na kailangan pang maglakad ng ilang milyang layo bago makarating ng paaralan at makauwi ng kanilang tahanan.

Dahil dito hindi aniya maiwasang mabilad ang mga estudyante sa araw na posibleng magdala ng malaking panganib sa kanilang kalusugan.

Sa ilalim ng DepEd Order no. 034, nagsimula ang klase noong August 22, 2022 na magtatapos sa July 7 ng kasalukuyang taon, kung saan masasagasaan ani Libanan ang buwan ng Abril at Mayo na may pinakamainit na panahon.

About The Author