dzme1530.ph

Pre-bid conference para sa lease deal sa automated machines na gagamitin sa 2025 elections, ipinagpaliban ng Comelec

Ipinagpaliban ng Comelec ang pre-bidding conference para sa P18.8-billion lease contract para sa automated vote counting machines na gagamitin sa 2025 midterm elections.

Inihayag ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco na ang postponement ay kasunod ng pag-i-isyu ng bid bulletin no. 1 ng special bids and Awards Committee on the Automated Elections System para sa susunod na halalan, na tumutukoy sa paglilinaw at pagsagot sa initial queries mula sa prospective bidders.

Una nang inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na opisyal nang binuksan ng poll body ang bidding para sa lease contract ng Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTRAC).

Ito’y matapos i-post sa Philippine Government Electronic Procurement System ang procurement process para sa naturang proyekto.

Sinabi ni Garcia na ang procurement ay kinabibilangan ng hardware, software, transmission, at internet voting para sa Overseas Filipino Workers. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author