dzme1530.ph

Prangkisa ng NGCP, ipinare-repaso kasunod ng power blackout sa Panay Island

Nais ng Dep’t of Energy na ipa-repaso ang prangkisa ng National Grid Corp. of the Philippines.

Ito ay kasunod ng umanoy kapabayaan ng NGCP sa matagalang power outage sa Panay Island.

Ire-rekomenda ni Energy sec. Raphael Lotilla sa Kongreso na pag-aralan ang posibleng pag-aalis ng systems operation function mula NGCP, upang matutukan na lamang nito ang transmission network provider function.

Hihilingin din ang pag-repaso sa awtoridad ng Energy Regulatory Commission sa pagpapataw ng P2-M administrative penalties sa transmission concessionaire sa kada araw ng paglabag o non-compliance sa regulatory rules, o isang porsyento ng halaga ng mga na-delay na proyekto.

Imumungkahi ring pag-aralan ang special tax privilege sa NGCP na nagbabayad lanang ng 3% franchise tax sa halip na magbigay ng national at local taxes. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author