dzme1530.ph

PPA, umapela sa mga pasahero na tiyaking tama ang schedule ng kanilang biyahe bago magtungo sa pier

Nanawagan ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang shipping agent para sa schedule ng kanilang biyahe bago magtungo sa mga pantalan.

Ginawa ng PPA ang apela dahil hindi pa rin naibabalik sa normal na schedule ang mga na-delay na biyahe bunsod ng masamang panahon na dulot ng nagdaang bagyong Kabayan.

May ilan namang mga pasahero na sa kabila ng hindi komportableng sitwasyon, ay mas piniling magpalipas na lamang ng gabi sa pier kaysa umuwi dahil nanghihinayang sa magagastos nilang pamasahe.

About The Author