dzme1530.ph

PPA NAGTALA NG ₱30.09B REVENUE SA 2025, PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN

Loading

Isang makasaysayang record ang naitala ng Philippine Ports Authority o PPA matapos umabot sa ₱30.09 bilyon ang kita nito para sa Fiscal Year 2025 — ang pinakamataas sa kasaysayan ng ahensya.

 

Batay sa ulat, tumaas ito ng halos 9% kumpara noong 2024, dulot ng paglago ng vessel traffic, pagdami ng cargo throughput, mas mataas na storage revenues, at pinalakas na regulatory income.

 

Dahil sa matatag na performance, inaprubahan ng PPA Board ang mahigit ₱5.3 bilyong dividend remittance sa National Government — katumbas ng 52% ng net earnings — alinsunod sa Dividends Law.

 

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, ang patuloy na pagtaas ng kita ay magbibigay-daan sa mas maraming port infrastructure projects na magpapabilis sa daloy ng kalakalan, magpapalakas sa logistics efficiency, at susuporta sa turismo.

 

Ipinapakita ng rekord na ito ang lumalakas na maritime trade sa bansa at ang mahalagang papel ng modernisasyon ng mga pantalan sa pagpapalago ng pambansang ekonomiya.

About The Author