dzme1530.ph

Power relay tower binomba ng mga terorista!

Isang power transmission tower sa Barangay Paiton sa bayan ng Kauswagan sa Lanao del Norte ang tinumba ng mga terorista gamit ang malakas na improvised explosive device madaling araw nitong Byernes, September 8, 2023.

Sa pahayag nitong Sabado ni Major Mark Capitle ng Kauswagan Municipal Police Station, nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa mga barangay sa naturang bayan ang insidente.

Iniulat ng mga barangay officials sa Paiton kay Capitle na nakarinig sila ng dalawang malakas na pagsabog bandang 1:45 a.m. bago tuluyang nag-brownout na sa kanilang kapaligiran.

Ayon sa mga residente may isang bangkay ng lalaki na may maselang mga sugat sa katawan ang natagpuan sa kung saan ang nabuwal na tower na posible diumanong nadisgrasya habang isinagawa ang pagpapasabog ng dalawang mga IED mismo sa pundasyon nito. Wala pang opisyal na pahayag ang pulisya hinggil dito.

Naniniwala ang mga residente ng Kauswagan na mga miyembro ng Dawla Islamiya ang responsable sa pagtumba ng naturang power relay tower. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author