dzme1530.ph

Power outage sa Panay Island, pinareresolba sa gobyerno

Kinalampag ni Sen. Jinggoy Estrada ang gobyerno upang resolbahin ang malawakang power outage o kawalan ng kuryente sa Panay Island

Sinabi ni Estrada na nakalulungkot na bungad pa lamang ng taong 2024 ay brownout agad ang kinaharap ng mga kababayan natin sa Western Visayas.

Binigyang diin ni Estrada na hindi lang ang mga residente ang apektado ng kawalan ng kuryente kundi maging ang mga negosyo, ospital at iba pang mahahalagang serbisyo na nakadepende sa suplay ng kuryente.

Kaya naman dapat aniyang solusyunan ang isyung ito nang mabilis at episyente.

Umapela rin ang senador sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga may kaugnayang stakeholder na iprayoridad at bilisan ang resolusyon sa power crisis sa Panay Island

Umaasa ang mambabatas na hindi hahayaan ng gobyerno na magtagal pa ang krisis na ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author