dzme1530.ph

Poverty incidence sa MisOcc, bumaba sa 18.30% —Gov. Oaminal

Bumaba pa sa 18.30% ang poverty incidence sa Misamis Occidental mula sa 23.3% noong 2021 at 32.7% noong 2018 na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Gobernador Henry Oaminal, mula sa pagiging isa sa mga mahihirap na probinsiya umunlad ang lalawigan dahil sa kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan, mga inisyatibo sa pagpapatibay ng law enforcement efforts, at polisiya ng nakaraang administrasyon.

Ibinahagi ng gobernador na bukod sa gumagandang trabaho, at ekonomiya, 95% ng kumpleto ang municipal, provincial, at national roads sa Misamis Occidental.

Sa usapin naman ng krimen sa Mindanao, inihayag ni Oaminal na malaya nang nakakalabas ang mga Misamisnon nang walang takot, at magpapatuloy ang mga inisyatibo sa peace and order na prayoridad aniya ng pamahalaang panlalawigan.

About The Author