Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-import ng poultry products mula sa Iowa at Minnesota sa Estados Unidos.
Ipinatupad ng DA ang pagbabawal sa pag-aangkat ng domestic at wild birds noong 2023 dahil sa outbreak ng avian influenza (AI) sa dalawang US states.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magiging mabilis ang pag-aalis ng ban sa buhay na manok, at by-products nito kabilang ang day-old chicks at hatching eggs.
Inilabas ng DA ang desisyon, makaraang sabihin ng us veterinary authorities sa world organization of animal health na wala ng banta ng avian influenza cases sa Iowa at Minnesota.