Binigyang-diin ng isang advocay group ang potensyal ng Senior High School graduates sa ilalim ng K to 12 program na makakuha ng trabaho sa gitna ng employability concerns.
Ayon kay Philippine for Business Education (PBED) Executive Director Justine Raagas, employable ang K to 12 graduates kung mabibigyan ng oportunidad sa komprehensibong pagsasanay at pagpapabuti ng mga kasanayan, gaya ng work-based training opportunities na makatutulong upang mapalakas ang employability.
Sa naganap na pagdinig ng House Committee on Basic Education, sinabi ng Dept. of Labor and Employment na nasa 180,000 lokal na trabaho ang bukas para sa SHS graduates.
Subalit, inihayag din ng ahensya ang mga alalahanin ng mga employer kaugnay sa skill readiness ng K to 12 graduates, at inirekomenda ang mas targeted SHS Curriculum na magdedevelop sa strand-specific competencies para sa trabaho.
Gayunpaman, kung pag-uusapan ang unemployemnet at underemployment issues sa mga kabataan, sinabi ni Raagas na aktibo silang nakikipag-ugnayan sa pribadong sektor, mga paaralan, at gobyerno upang mamuhuhan kaugnay sa pagsasanay para sa mga ito. –sa panulat ni Airiam Sancho