dzme1530.ph

Posts patungkol sa posibleng pagka-ubos ng pera sa e-wallets ng unregistered sim users, ‘di totoo —GCash

Pinabulaanan ng GCash ang mga kumakalat na social media post na maaaring mabawasan o mawala ang mga pera sa accounts ng mga unregistered sim card app user dahil umano sa isasagawang update kaugnay ng SIM registration.

Ayon sa GCash, hindi kailangang mag-withdaw ng pera ang user dahil ligtas anila ang mga account nito.

Hinihikayat din anila ang SIM subscribers na magparehistro upang mapigilan ang pagtaas ng scam cases sa bansa.

Iginiit ng GCash na mahalagang rehistrado ang active sim card ng kanilang users para hindi made-activate at maantala ang access ng mga ito sa kanilang e-wallet accounts na konektado rito.

About The Author