dzme1530.ph

Posisyon ng mga Senador sa usapin ng economic Cha-cha, pinasasapubliko

Hinamon ni House Majority Floor Leader Manuel “Mannix” Dalipe, Jr. ang 24 na senador, na ilantad na sa publiko ang kanilang paninindigan sa usapin ng economic Cha-cha.

Para kay Dalipe ngayon pa lang ay ilantad na nila kung sino-sino ang sang-ayon o hindi na amyendahan ang 37-year-old constitution para alam na rin ng taumbayan pagsapit ng 2025.

Umaasa pa rin ang Kamara na matutupad ang unang time table ni Senate President Miguel Zubiri na aaprubahan nila ang RBH No. 6 sa buwan ng Marso.

Gayunman, may bagong timeline ang Senado dahil oktubre na ang target nilang pagtibayin ang RBH-6.

Para kay Dalipe at sa iba pang kongresista, masyado na itong late kaya mas makabubuti sa taumbayan na ilantad na nila sa publiko ang tunay nilang paninindigan sa economic Cha-cha. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author