dzme1530.ph

Posibleng PPP sa operasyon sa NAIA, dapat aralin ng gobyerno

Binigyang-diin ni Sen. Nancy Binay na panahon nang pag-aralan ng pamahalaan ang posibleng partnership sa pagitan ng mga pribadong kumpanya at ng gobyerno para mapaganda ang serbisyo at pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ayon sa Chairperson ng Senate Committee on Tourism ay maiwasan na ang mga aberya sa paliparan.

Binanggit pang halimbawa ng senador ang operasyon ng  Mactan-Cebu International Airport na naisaayon dahil sa  pagpasok ng gobyerno at ang local counterpart nito sa joint venture sa pagitan ng isang Indian company.

Isa aniya ang airport sa Cebu sa posibleng gawing modelo  para mai-upgrade ang pangangasiwa at operasyon sa NAIA.

Aminado ang senador na walang sapat na pondo ang pamahalaan para gawing ‘world-class’ ang NAIA kaya ang pagpasok sa Public-Private-Partnership (PPP) ang isa sa makakatulong para maingat ang kalidad nito.

Nakatitiyak naman ang senador na may mga pribadong kumpanya ang handang gumastos para maisaayos at mapaganda ang operasyon ng NAIA. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author