Inihayag ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, ang posibleng pagpapatupad ng Single Ticketing System sa buong rehiyon.
Ayon sa MMC president, pag-aaaralaan aniya ng Metro Manila mayors kung maaaring umarangkada sa buong kamaynilaan ang bagong sistema.
Maghihintay muna ani sila ng ilan pang linggo para matukoy kung ano ang dapat pagbutihin at isasaayos upang matiyak ang tuluy-tuloy at full implementation nito sa Metro Manila.
Sa ilalim ng Single Ticketing System ang Top 20 most common traffic violations ay may pare-pareho ng multa, contesting procedures, at digital payment platforms kagaya ng GCASH, Maya, at LandBank.
Kahapon, lumarga na sa pitong lungsod sa Metro Manila ang pilot implementation ng STS kabilang dito ang Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan, Valenzuela, at San Juan.