dzme1530.ph

Posibleng pagdeklara ng DOJ kay Cong. Arnie Teves bilang ‘’terorista’’, pinagtawanan ng kongresista

Pinagtawanan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ang pahayag ng Department of Justice na ituring siyang terorista kung mananatili ito sa ibayong dagat.

Sa kauna-unahang press conference ng suspendidong kongresista via online, sinabi nitong nagiging circus na umano ang ginagawang imbestigasyon laban sa kanya.

Iginiit din ng kongresista na hindi ito maaaring maging terorista gayung wala pang kasong naisasampa laban sa kanya, dahil na rin aniya sa wala naman siyang kinalaman sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo.

Ayon pa kay Teves, hindi ito babalik sa Pilipinas hanggang wala pang kasiguraduhan ang kaniyang kaligtasan sa loob ng bansa.

About The Author