Aminado si Labor Sec. Bienvenido Laguesma na mayroong napipintong displacement of workers sa bansa sa pagsulpot ng Artificial Intelligence (AI) Technology.
Ipinaliwanag ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), na hindi naman mapipigilan o maaring pagbawalan ng ahensya ang pag-unlad ng teknolohiya.
Sinabi ni Laguesma na ang kailangang gawin ay paghandaan ang mga epekto nito sa sektor ng paggawa.
Aniya, ang mahalaga ay mapag-aralan ang mga klase ng paggabay o patulong na maaring maibigay ng pamahalaan sa mga mangggawa, pati kung ano ang dapat gawin ng mga employer upang hindi masyadong mabigat ang displacement.
Inihayag din ng kalihim na nakikipag-ugnayan siya sa mga employer at mga kumpanya para alamin kung gagamit sila ng AI sa kanilang operasyon, at ipaliwanag ang posibleng epekto nito sa labor force. —sa panulat ni Lea Soriano