![]()
NOT an ideal situation para kay Senador Risa Hontiveros ang impeachment trial laban sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Sinabi ni Hontiveros na kung magtagumpay sa Kamara ang mga reklamo laban sa Presidente at Bise Presidente ay walang magagawa ang Senado kundi tupdin ang kanilang tungkulin na dinggin ito.
Aminado ang senadora na maraming maisasantabing gawain kapag umarangkada ang trial sa Senado subalit maaari rin anyang mag-ambag sa pag-unlad kung magiging maayos ang pagdaraos at pagsasara ng proseso.
Samantala, nanawagan si Senador Robinhood Padilla na tigilan na ang usaping impeachment laban dalawang lider.
Iginiit ni Padilla na napakaraming dapat na tapusin ng Senado at Kamara kabilang ang mga panukalang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Hiniling ng senador na ihinto na rin ang pamumulitika dahil sukang-suka na ang lahat sa walang katapusang pag-aaway at agawan ng kapangyarihan.
