dzme1530.ph

Posibilidad na maranasan ang El Niño sa bansa, pumalo sa 80%

Pumalo sa 80% mula dating 55% ang posibilidad na maharap ang bansa sa epekto ng El Niño phenomenon sa Hunyo hanggang Agosto.

Ayon kay PAGASA deputy administrator Esperanza Cayanan, pumalo din sa 86% ang probability ng El Niño mula Nobyembre hanggang Enero ng 2024.

Kabilang aniya sa mga posibleng epekto nito ay tagtuyot na posibleng maranasan sa ilang lugar sa bansa sa huling bahagi ng taon.

Asahan din ang matinding tag-ulan bago maramdaman ang epekto ng El Niño sa Hunyo hanggang Setyembre, dahil sa Habagat.

Ayon pa kay Cayanan, maaari ring magkaroon ng extreme rainfall event kagaya ng bagyong Ondoy noong 2009, na karaniwan naman aniya bago magkaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig.

About The Author