dzme1530.ph

PORTS MAGNATE ENRIQUE RAZON, PINAKAMAYAMAN SA PILIPINAS, AYON SA FORBES

Loading

Pinangalanan si ports magnate Enrique Razon bilang pinakamayaman sa Pilipinas at 175th richest person in the world, ayon sa Forbes’ billionaires’ list.

Humaba ang annual global list ng business magazine ng mga taong may 10-to-12-figure bank accounts ngayong taon, sa record na 3,428 entries, na mas marami ng 400 kumpara noong nakaraang taon.

Labinlimang Pilipino ang nasa naturang listahan, sa pangunguna ni Razon ng ICTSI, na ang net worth ay nasa 16.5 billion dollars.

Nalampasan ni Razon ang kapwa tycoons na sina Ramon Ang, Lucio Tan, at Manny Villar na nanguna sa Philippines’ list noong 2025.

Samantala, muling pinangalanan si Elon Musk bilang world’s richest person dahil sa kanyang net worth na 839 billion dollars.

About The Author