dzme1530.ph

Pope Francis, hiniling ang kapayapaan sa magugulong bansa sa kanyang Easter message

Nanawagan si Pope Francis sa Russia na hanapin ang katotohanan sa pagsalakay nito sa Ukraine, sa kanyang easter message sa buong mundo, kasabay ng pag-apela nito ng dayalogo sa pagitan ng Israelis at Palestinians kasunod ng pagsiklab ng karahasan kamakailan.

Pinangunahan ng Santo Papa ang Easter Day Mass sa St. Peter’s Square matapos dapuan ng unseasonal cold dahilan para hindi ito makadalo sa outdoor service noong Biyernes, at bilang pag-iingat na rin makaraang ma-ospital dahil sa Bronchitis noong katapusan ng Marso.

Gaya ng kanyang nakagawian tuwing Easter, ipinanawagan muli ni Pope Francis ang kapayapaan sa Middle East, lalo na’t sumiklab ang panibagong karahasan sa Jerusalem at palitan ng mga putok sa pagitan ng Israel, Lebanon at Syria.

About The Author