dzme1530.ph

Pondo para sa subsidiya ng mga apektadong rice retailers ng price cap, hugutin sa P13-B President’s Contingent Fund -Kongresista

Iminungkahi ni Albay Cong. Edcel Lagman na hugutin sa P13-B President’s Contingent Fund, ang pondong kakailanganin para sa subsidiya ng mga apektadong rice retailers dahil sa Executive Order no. 39.

Ayon kay Lagman, Presidente ng Liberal Party, ang Contingent Fund ay ginagamit sa mga “Unforeseen urgent and critical circumstances” sa panahon ng fiscal year.

Paliwanag pa nito, hindi rin aniya nakatali o limitado lamang sa partikular na pangyayari o obligasyon ang pwedeng paggamitan ng pondong ito.

Kung noong 2022 aniya ay nakapag-transfer ng milyon-milyong pisong halaga si Pang. Bongbong Marcos Jr. sa tanggapan ng bise presidente mula sa kanyang Contingency Funds, mas may rason ngayon dahil ayuda ito sa maliliit na rice retailers na nalulugi dahil sa iniutos na “price ceiling sa bigas.” —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author