Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang budget para sa rice subsidies at medical care ng mga sundalo sa bansa.
Sa New Year’s Call sa Malacañang ng matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines, inihayag ni Marcos na magkakaroon ng specific budget para sa rice subsidies, at Tertiary Health Care sa AFP Medical Center, para sa advanced medical services at overall wellness support.
Sinabi rin ni Marcos na ang tinaasang budget ng Dep’t of National Defense ngayong taon, ay patunay ng dedikasyon ng gobyerno sa well-being o kapakanan ng uniformed personnel at kanilang mga pamilya.
Suportado rin ng Commander-in-Chief ang Revised AFP Modernization Program at pension and gratuity fund, para sa financial stability at pag-aangat sa antas ng pamumuhay ng military at civilian personnel.
Kabilang sa mga nag-courtesy call sa Pangulo ay sina AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., Philippine Navy Flag Officer-In-Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., Philippine Army Commander Lt. Gen. Roy galido, at Philippine Air Force Commander Lt. Gen. Stephen Parreño. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News