Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtukoy sa “political hotspots”, sa harap ng magkakasunod na pag-atake sa mga lokal na opisyal, kabilang na ang pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon sa pangulo, inatasan na niya ang DILG at maging ang PNP na magsagawa ng examination katulad ng ginagawa tuwing darating ang halalan, kung saan kanilang tutukuyin ang election hotspots.
Bukod dito, sinabi rin ng chief executive na kailangang mabuwag ang mga private army at hanapin ang mga iligal na armas.
Naniniwala rin si Marcos na “purong pulitika” ang dahilan ng pagpatay kay Degamo.
Kasabay nito’y ibinahagi ng pangulo na maganda ang pag-usad ng imbestigasyon sa kaso at nagpapatuloy rin ang hot pursuit operations para sa mga hindi pa nahuhuling suspek.